
San Antonio, Zambales — Dulot ng Enhanced Habagat nitong mga nakaraang buwan, maraming mangingisda ang nawalan ng pagkakakitaan sa ating lalawigan.
Bilang tugon, umarangkada sa ikatlong araw, ngayong Oktubre 16, 2026, sa Youth Center, San Antonio, ang pamamahagi ng financial assistance sa ilalim ng Emergency Cash Transfer (ECT) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office III – Central Luzon.
Ang programa ay naisakatuparan sa ilalim ng Pambansang Pamahalaan sa pangunguna ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at DSWD Sec. Rex Gatchalian katuwang ang Pamahalaang Panlalawigan ng Zambales sa pamumuno ni Gob. Jun Ebdane at 2nd District Congw. Doris Maniquiz, na personal na kinumusta ang mga mangingisda kasama si BM Rundy Ebdane at Mayor Dok Arvin Antipolo.
Ayon kay Subic MFARMC chairman Reynaldo Miranda, “Taos-puso po ang aming pasasalamat sa Pambansang Pamahalaan at DSWD sa patuloy na paghahatid ng tulong na nagmumula sa pondo ng bayan at nagbabalik sa pangangailangan ng ating mga mangingisdang Zambaleño.”

